| — | ~ Zig Ziglar (via conflictingheart) |
Ngayong gabi, nagtagumpay akong di ka isipin… at alam ko sa bandang huli magtatagumpay din akong limutin na ang lahat 😊
“Mag-aalas tres ng madaling araw umiiyak ako… mag-aalas tres na ng hapon… umiiyak pa din ako. Pano na yun?”
Mahirap. Yan ang totoo. Ako mismo matagal ko nang gustong tumigil. Kasi ako lang naman yung talo. Pero, hindi ko pa din mapigilan kasi meron akong katiting na “pag-asa” na baka magbago ang ihip ng hangin. Pero alam ko halos nobenta porsyento eh sinasabi sa akin ng tadhana na “wag na” “tama na!” “tumigil ka na.”
At dumating nga yung punto na tadhana na mismo ang nagputol ng mga bagay-bagay. Alam nya kasi na ako mismo eh hindi bibitaw. Kaya tadhana na mismo ang pumutol nito.
Alam mo ba kung gaanong luha ang nalabas ko? Hindi ko din mabilang. May mga pag-iyak ako na tahimik lang. May mga iyak akong hagulgol. Hindi lang sa loob ng isang araw nangyari ang lahat ng yun. May mga pagkakataon na akala ko maayos na. Tanggap ko na. May mga pagkakataon na umiiyak pa din ako… madalas ito bago ako matulog. Tipong pag-iyak ang gagawin ko para lang tumigil yung mga bagay-bagay na tumatakbo sa utak ko.
Maging sa mga dasal ko sinasabi ko na “ayaw ko na.pagod na ako” na “Panginoon, yakapin mo naman ako. Kunin mo naman pati puso ko. Pakitago na lang muna. Pakihilom. Nakakahiya naman kung ibibigay mo ako sa taong nararapat mag-aalaga nyan eh durog na durog na. Ikaw na muna bahala dyan. Pasensiya ka na hindi ako marunong mag-alaga ng sarili kong puso.” Minsan simple iyak na lang yung nasasabi ko sa mga dasal ko. Wala eh. Wala ng mga salitang lumalabas. Pati siguro sila pagod na din.
Pero sa tuwing babangon ako. Sa tuwing darating ang bagong umaga, sa kabila ng sakit at pagod na nararamdaman ko, may kakaibang lakas na dumadaloy sa sistema ko. Alam ko ito yung mga dinalangin ko. Alam ko huhupa din ang bagyo. Makakabangon din ako.


